Xian, may commercial pilot license na

Xian

Masayang ibinalita ni Xian Lim na mayroon na siyang commercial pilot license.

Sey ng aktor sa kanyang Instagram account, napakabilis daw ng pangyayari at hindi pa rin siya makapaniwala.

“CPL! Commercial Pilot License! I still can’t believe it. Ang bilis ng mga pangyayari. This journey has truly been life-changing and I’m filled with gratitude. Hindi ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari,” aniya.

Kaya naman labis ang kanyang pasasalamat sa lahat ng nakasama’t nakatulong sa kanya para makamit ang tagumpay na ito.

“To my @topfliteacademy family, thank you for believing in me and pushing me beyond what I thought was possible. Everything happened so fast, Pero you were there to guide me every moment, every step of the way!

“To Capt. @chiclet.pecson , thank you for your endless patience and dedication in guiding me sa flights. Every new maneuver, ‘di ko talaga akalain na kakayanin ko pero you always pushed me na kakayanin. Susuka pero di susuko. Repetition, repetition, Repetition! Aerobatic maneuvers next! Lezzzgo! 

“To Capt. @sahl.onglatco and all our flight instructors, maraming salamat na you always keep us, students motivated. There is always something to look forward to. Even when things get rough, you make sure we all have something to look forward to,” ang mensahe ng pasasalamat ng aktor.

“Bakit ba ang haba ng caption? Lol. Masaya lang. Kakatapos lang ng checkride and adrenaline is still high Nagkape pa ako kaya nga CPL: Coffee Po­wered License. Waley. More ratings, more aircrafts, more challenges to come!” sey pa niya.

Pinaalalahanan din ni Xian ang kanyang followers na walang imposible kung talagang gugustuhin mong matupad ang iyong pangarap.

“Let this be a reminder to myself and to anyone reading this, chasing a dream, that nothing is impossible if you have the heart, the passion, and the right people around you.

“No matter how loud the world gets, sometimes all you need is one person, one crew, to tell you, you’ve got what it takes.

“To everyone who has been following my aviation journey, maraming salamat! This is only the beginning. Let’s keep flying,” saad ng aktor.

Matatandaang last September, 2024 nang mag-enroll siya sa isang flying school. Aniya ay childhood dream daw niya ang maging piloto.

Buwan ng October naman nang i-post niya ang kauna-unahang pagpapalipad niya ng eroplano at ang pagkakaroon niya ng student license pilot.

Nitong nakaraang January ay ibinalita naman niyang isa na siyang private pilot.

Megan at Mikael, sanay na sa puyatan

Ngayong magulang na sina Megan Young and Mikael Daez sa kanilang first baby, na-confirm ng celebrity couple na wala talagang tulugan kapag may bagong silang na anak.

Nag-post ng reel ang mag-asawa kung saan ay makikitang karga-karga ni Mikael ang baby boy nila at pinapatulog habang si Megan naman ay nasa tabi niya. Nagsasayawan sila’t parehong naka-shades.

Nakasaad sa video na “3am na at ayaw pa rin matulog ni baby.”

Sa caption ay kinumpirma ni Mikael ang tsikang wala talagang tulugan kapag may baby pero mabuti na lang daw at nasanay na sila sa puyatan bilang nagte-taping din sila hanggang madaling araw.

“Confirming reports na wala talagang tulog kapag may newborn. But on another note, we have been enjoying the whole journey and taping life has trained us well for this period of 2hr naps and sleep deprived days. They’re only newborn once so might as well make the most out of the experience,” sey ni Mikael.

Nito lang nakaraang buwan isinilang ni Megan ang kanilang first baby.

Show comments