MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Arestado ang limang wanted persons kabilang ang isang Most Wanted Person (MWP) nang silbihan ng Warrant of Arrest (WOA) sa magkakahiwalay na manhunt operation ng pulisya sa lalawigang ito.
Sa report kay PCol. Franklin Estoro, Officer-in-Charge ng Bulacan police, kinilala ang Top 5 MWP-City Level na si alyas “Ward”, 40.
Ayon sa report, isinilbi ng tracker team ng San Jose Del Monte Police Station ang WOA laban kay Ward bandang alas-3:40 ng hapon nitong Hunyo 12.
Nabatid na ang WOA sa kasong “New Anti-Carnapping Act of 2016 (R.A 10883)” ay inilabas ng RTC Branch 21 sa Meycauayan City, Bulacan noong Mayo 28, 2025 na may inirekomendang piyansang P300,000.
Samantala, huli rin sa kaparehong operasyon ang apat pang wanted na sina alyas “Garry” sa kasong Robbery, alyas “Cedric” sa Attempted Homicide, alyas “Tito” sa Rape at alyas “John” sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.