Sara-Imee tandem sa 2028
Inilutang ni Robin
MANILA, Philippines — Inilutang ni Senator Robin Padilla ang tambalan nina Vice President Sara Duterte at Senator Imee Marcos para sa 2028 presidential at vice presidential elections.
Ayon kay Padilla hindi siya pulitiko at sa 2028 ay magsisilbi siya bilang campaign manager nina Duterte at Marcos.
Ginawa ni Padilla ang pahayag sa isang talumpati sa Malaysia kung saan nakasama sina Duterte at Marcos sa pagtitipon ng mga Overseas Filipino Workers.
“Si Robin Padilla, hindi pulitiko. Sa 2028, campaign manager ako ni Inday Sara Duterte at ni Imee Marcos, at siyempre, ng mga senador nila,” ani Padilla.
Sinabi rin ni Padilla na muling magkakaroon ng pag-asa ang mga botante.
“Darating ang pagkakataon na kayo ay muling susulat sa inyong mga balota, at pagdating ng araw, tandaan po ninyo—‘yung hope,” ani Padilla.
Ikinagulat naman ni Duterte ang naging pahayag ni Padilla.
“Nagulat din ako sa Sara-Imee ni Sen. Robin… Hindi ko alam kung anong nasa isip ni Sen. Robin”, pahayag ni Duterte.
- Latest