Pilipino Star Ngayon - Probinsiya | Philstar.com
A portal of daily newspapers covering Philippine news headlines, business, lifestyle, advertisement, sports and entertainment. Also delivers Manila and Cebu news.

Kalaboso ang isang tulak na itinuturing na high value individual mula sa Maynila na dumadayo upang magtulak sa ilang lugar sa Kabikolan matapos maaresto sa inilatag na buy-bust operation at makuhanan ng mahigit P10-milyong halaga ng shabu sa isang food park ng Central Plaza Complex, Brgy.Lag-on ng bayang ito kamakalawa ng gabi.
Nag-alok ng kalahating milyong pisong pabuya si Mayor Nerito Santos Jr., para sa mabilis na paghuli sa bumaril at pumatay kay Barangay Calipahan Chairman Joel Damacio, noong Lunes ng umaga sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. Calipahan, sa bayang ito.
Maaaring maharap sa imbestigasyon ang Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil umano sa mga maanomalyang transaksyon nito.
Isang mayoral candidate sa Baguio City ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa reklamong Estafa at Falsification of Documents nitong Lunes.
Tinatayang P23-milyong halaga ng shabu at imported marijuana o kush ang nasabat ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Southeastern Mindanao Regional Office (NBI-SEMRO) sa isang ni-raid na repacking at distribution hub, sa Davao City, madaling araw nitong Linggo.