^

PM Sports

Hotshots tutuhugin ang twice-to-beat

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Seselyuhan ng Magnolia ang asam na twice-to-beat habang ayaw din paiwan ng Talk ‘N Text sa karera para sa parehong misyon sa krusyal nilang banggaan sa 2025 PBA Philippine Cup ngayon sa Ninoy Aquino Stadium.

Magpapangbuno ang Hotshots at Tropang Giga sa alas-7:30 ng gabi pagkatapos ng non-bearing game sa pagitan ng mga sibak ng Phoenix (3-7) at Blackwater (2-8).

Kasalo ng Magnolia sa ngayon ang San Miguel at Ginebra sa ikalawa hang­gang ikaapat na puwesto hawak ang 7-3 karta habang hindi naman nalalayo ang TNT sa ika-anim na puwesto bibit ang 6-4 baraha.

Makalusot lang ay sigurado na ang Hotshots sa Top 4-finish para sa win-once incentive sa 8-3 kartada subalit kung matatalo ay makakatabla ang Tropang 5G sa 7-4.

Marami pang koponan tulad ng San Miguel, Ginebra, Converge (7-4) at Rain or Shine (6-4) ang puwedeng magtabla-tabla sa 7-4 na lalong magpapahirap sa misyon ng Magnolia kung matatalo ito.

Tanging ang Road Warriors na may 8-2 karta palang ang sigurado sa Top 4 at twice-to-beat matapos mabigo ang Beermen sa FiberXers, 100-97.

Nauwi sa ganitong sitwasyon ang dating No. 1 na Magnolia nang matalo ng dalawang sunod kontra sa Ginebra, 85-81, at NLEX, 107-99.

Subalit kung ang karambola sa 7-4 ang nais iwasan ng mga bataan ni coach Chito Victolero, iyon naman ang eksaktong nais ng mga manok ni coach Chot Reyes.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with