Bato nag-share ng AI video, ‘kinuyog’ ng netizens

MANILA, Philippines — Umani ng batikos si Senator Bato dela Rosa matapos i-share ang Artificial Intelligence (AI)-generated videos na kumokontra laban sa impeachment trial ni Vice Pres. Sara Duterte.
Sa video post ng AY GRABE! page, dalawang estudyanteng lalaki ang “ini-interview” kung saan binabatikos ang nangyari sa impeachment proceedings laban kay VP Duterte.
Sa caption ng video ay may nakalagay na hashtag na #AI.
Ni-repost umano ito ni dela Rosa sa kanyang FB page at nilagyan ng caption na: “Mabuti pa ang mga bata nakakaintindi sa mga pangyayari. Makinig kayo mga yellow at mga komunista!”
Sa kabila nang pagtawag ng atensiyon ng mga netizens kay dela Rosa na produkto ng AI ang kanyang ibinahagi sa Facebook, hindi ito tinanggal ng senador.
Kasunod nito ay tinakpan ng Facebook ang nasabing video at nilagyan ng “False information. Reviewed by third-party fact checker.”
- Latest