^

PSN Showbiz

Max, idinisplay na ang jowang afam

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Max, idinisplay na ang jowang afam
Max Collins at Rumored Bf

Ang bongga naman ni Max Collins na kumalat na pala ang rumored boyfriend niya na foreigner.

Isang video kung saan may katabi siyang lalake na AFAM (a foreigner around Manila) habang naglalakad kaya napatanong ang mga ito kung boyfriend ba niya ito.

Maaalalang isinulat ni Salve kamakailan na diumano’y in a relationship na raw ang aktres sa isang rich Spanish businessman kaya madalas daw ito sa abroad base sa mga post nito sa social media.

Kaya naman napaisip ang mga follower niya kung iyon na ba ang tinutukoy na bago niyang boyfriend.

Mukha ngang mas may edad ang guy sa kanya na baka raw mas type nito ang older guy ngayon at kinumpara pa nga siya kay Beauty Gonzalez at mister nitong si Norman Crisologo.

Mukha nga raw sumakses na si Max sa diumano’y BF niyang may rich tito vibes.

‘Kaloka.

Anyway, wala naman nang masama kung makipag-date na ulit siya dahil annulled naman na sila ni Pancho Magno.

At halata na rin naman kay Max na masaya na siya ngayon.

Bongga.

Coney, malaking bagay kay mayor Vico!

Talagang all these years hindi nagbago si Coney Reyes. Mula pa noon hanggang ngayon, ‘yung pagiging mabait niya ganun pa rin.

Nabigla nga ako nang tumawag siya para ipag-pray over ako dahil nabalitaan niya na meron akong sakit. At pinadalhan pa ng flowers to cheer me up. How sweet of her.

Talagang isa siyang malaking plus factor para kay Pasig Mayor Vico Sotto na naniniwala ako na puwedeng maging presidente ng Pilipinas dahil sa ipinapakita niyang magandang trabaho as mayor.

Kahanga-hanga ang dedikasyon at pagiging mahusay na mayor ni Vico Sotto. Ngayon pa lang malakas na ang clamor para umakyat siya sa mas mataas na posis­yon. I can feel a pride of a mother kay Coney Reyes sa tuwing naririnig niya ang papuri para sa anak.

Talagang magiging proud mother ka ‘pag ang anak mo ay isang Vico Sotto. Bongga talaga.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with