VP Sara balik Pinas na mula Malaysia

MANILA, Philippines — Balik Pilipinas na si Vice President Sara Duterte matapos ang apat na araw na personal na biyahe sa Malaysia kasama ang kanyang pamilya.
Sa pahayag ng Office of the Vice President, sinabing nakauwi na sa bansa ang Bise Presidente kahapon, sakay ng Philippine Airlines flight PR 530 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
“Her return follows a recent visit to Malaysia,” saad ng OVP.
Habang nasa Malaysia at dumalo ang VP Sara sa Independence Day celebration kasama ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Matatandaan na nasa Malaysia rin ang Bise Presidente nang isilbi ng Senate Sergeant-At-Arms ang “writ of summons” para sa kanyang impeachment case.
Samantala, sinabi rin ng kanyang tanggapan na nakatakdang dumalo si VP Sara sa 2025 Pasidungog awarding ceremony sa Davao City sa Lunes, Hunyo 16.
- Latest