^

Probinsiya

3 arestado sa higit P800K shabu

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
3 arestado sa higit P800K shabu
Sa lalawigan ng Cavite, alas-7:30 ng gabi nang maaresto ang suspek na si alyas “Tong” sa isang buy-bust sa Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City at narekober ang 5 selyadong transpa­rent plastic na naglalaman ng mahigit sa 18 gramo na aabot sa halagang P122,400.00.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation sa lalawigan ng Cavite at Batangas na kung saan ay nasamsam ang nasa mahigit sa P800,000 halaga ng shabu, ka­makalawa.

Sa lalawigan ng Cavite, alas-7:30 ng gabi nang maaresto ang suspek na si alyas “Tong” sa isang buy-bust sa Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City at narekober ang 5 selyadong transpa­rent plastic na naglalaman ng mahigit sa 18 gramo na aabot sa halagang P122,400.00.

Samantala sa lalawigan naman ng Batangas, alas-4:10 ng hapon nang ilatag ng Lipa City Police at PDEA ang isang buy-bust sa Mandanas Road, Purok 1, Brgy. Plaridel Lipa City at naaresto ang dalawang suspek na kinilala sa mga alyas na “Rey” at “Rico”, kapwa nasa High Value Individual at nakuhanan ng dalawang plastic na naglalaman ng shabu na may timbang na mahigit sa 100 gramo at may halagang P680,000.00.

Nakumpiska rin sa kanila ang 1 Cal 45 pistol na kargado ng bala

SHABU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with