^

Punto Mo

Gaano mo kakilala ang iyong asawa?

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Unti-unting nauubos ang savings ng mag-asawang Henry at Cristy nang magkasakit ang kanilang anak. Araw-araw ay nagdarasal ang mag-asawa na sana’y magkaroon sila ng extra income.

Isang araw, may dumating na mysterious package sa mag-asawa. Isa itong wooden box na naka-locked. Ang susi ay naka-taped sa ibabaw nito. May note na kasama ang wooden box: “Huwag mag-alala, wala itong bomba. Kapag binuksan ninyo ang box, dalawang bagay ang mangyayari—una, makakatanggap kayo ng P30 milyon; at ikalawa, isang hindi ninyo kakilala ang mamamatay.

Tutal, ang mamamatay pala ay hindi nila kakilala, nagpasiya ang mag-asawa na buksan ang kahon. Limang araw matapos buksan ang kahon, tumama ng P30 milyon sa lottery ang mag-asawa.

Ngunit ang katuwaan ay napalitan ng kalungkutan dahil pagkaraan ng isang buwan matapos na tumama sa jackpot, nasagasaan si Henry ng trak na agad nitong ikinamatay.

Palibhasa ay kumalat na tumama sila sa lotto, dalawang babae na diumano ay pinakasalan ni Henry ang nagpakilala kay Cristy at naghahabol ng mana. Halos mabaliw si Cristy sa mga natuklasang lihim ni Henry.

Minsan ay isang lalaki ang pumunta sa kanilang bahay at binabawi nito ang wooden box. Ibibigay daw niya iyon sa ibang tao na nangangailangan. Hindi nakatiis na magtanong ni Cristy:

“Binuksan namin ang box dahil ang sabi, isang taong hindi namin kakilala ang mamamatay, bakit asawa ko ang namatay?”

“Misis, gaano ka kasigurado na kilala mo ng 100 percent ang iyong asawa? Di ba’t hindi mo alam na tatlo pala kayong pinakasalan niya?”

ASAWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with