Programa ng isang actress / TV host, tinigbak ng wala sa oras
Tuluyan nang nawala ang programa ng isang magaling na aktres na sinubukan pa naman ang hosting.
May bulung-bulungan, matagal na silang nag-stop taping. Pero umaasang mare-resume.
Pero hindi na talaga, at nai-replay na halos lahat na episodes.
Nakita na lang namin sa plug nilang old movies na ang mapapanood sa timeslot na ‘yun.
Kaya wala na nga at hindi na naituloy ang pagbabalik-taping.
Maganda pa naman ang concept ng programa, pero hindi raw talaga pumapalo ang ratings, kaya kahit hindi pa tapos ang isang season, tsugi na!
Sayang naman.
Kimpau, tambak ang block screening
Naglabas kahapon ng press release ang Star Cinema na naka-P12 million daw ang first day ng pelikulang My Love Will Make You Disappear nina Kim Chiu at Paulo Avelino.
Inaasahan ito na unang pelikulang maghi-hit dahil sa magaling naman talaga mag-promote ang Star Cinema.
Ang dami pang inikot ng KimPau .
Pero ewan ko lang kung gaano kasaya ang taga-Star Cinema sa first-day earnings nito dahil ayon sa nasagap namin, P20M daw ang tinatarget nila.
Maaga pa lang ay may mga nagte-text na sa aming hindi pa gaanong matao sa ilang sinehang pinuntahan nila.
Nung bandang gabi naman ay may mga inikot ang KimPau na block screenings, pero ‘yung ibang sinehan ay hindi na raw nila pinasok dahil hindi nito gaanong napuno.
Wala nga raw night crowd ang naturang pelikula.
Pero kung may word of mouth ito, puwede pang pumalo sa takilya at lalakas pa sa weekend.
Naikumpara kasi sa ibang box-office hits ng Star Cinema, ang Un/Happy For You at Hello, Love, Again na talagang may word of mouth kaya na-maintain ang lakas sa takilya.
Tingnan natin kung ganun din ba ang mangyayari sa MLWMYD ng KimPau.
Pero nung huling pag-check namin sa mga sinehan, as of 3 p.m. ay nag-drop na raw ito ng 30 percent.
Mark, burado na kay Jojo
Tinapos ni Jojo Mendrez ang pakikipag-ugnayan niya kay Mark Herras na naging bahagi sa promotion ng isang revival song niyang Somewhere In My Past.
Sa presscon na ipinatawag ng management team ni Jojo, inilahad nila ang lahat na ginawa ni Mark kung bakit napuno na si Jojo at ayaw na niyang makipag-collab sa bad boy ng dance floor.
Hindi lang nga pala sa dance floor bad si Mark kundi pati na rin kay Jojo Mendrez?
Nilinaw namin sa manager ni Jojo na si David Bhowie kung ano talaga ang usapan nila ni Mark.
Kinausap nga raw nila ang first StarStruck Male Ultimate Survivor kung puwede raw nilang kunin ito para maka-collab sa promo ng Somewhere In My Past.
Bukod pa riyan ay gusto raw nilang makatulong kay Mark.
‘’Ayokong tawagin na talent fee, because ‘yung talent is fixed na dapat meron siyang contract. So, we are giving honorarium to Mark. Kasi, since wala naman siyang manager, at sinasabi naming every time na, ‘Mark, punta ka dito.’ Kami nagde-decide na magbibigay,” pahayag ng manager ni Jojo.
Pero dahil nga sa generous si Jojo, pinadagdagan pa raw ito.
“So in other words, money isn’t the issue here. Ang issue talaga why we conducted this presscon is to put an end dun sa ‘MarJo’ na chapter.
“‘Yun naman ‘yung una kong line e. To end that issue na lagi kong binibigyan ng kulay na magkasama sina Mark and Jojo na may relasyon,” dagdag niyang pahayag.
Sa ngayon ay gusto na lang mag-focus ni Jojo sa original single niyang Nandito Lang Ako na kung saan ay ka-collab naman niya rito si Rainier Castillo na nandiyan lang lagi sa kanya.
Si Mark Herras ay ‘’somewhere in his past’’ na lang.
- Latest