^

Dr. Love

Nalinlang

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

High school pa lang ako ay pangarap ko nang makapag-asawa ng guwapo at mayaman. Hanggang college ay ganyan ang aking attitude. Tawagin mo na lang akong Kat, 20 years old.

Nakilala ko si Ralph. Guwapo at may magarang sasakyan. Nang ligawan niya ako ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik. Sinagot ko agad siya. Mabait siya at maalalahanin.

Minahal ko siya hindi dahil sa kanyang pera kundi ‘yun ang tunay kong nararamdaman. Hanggang isang araw, nabisto ko na isa lang pala siyang driver ng isang government official. 

Nang tanungin ko siya kung totoo ang na-balitaan ko, nawalan siya ng kibo pero kalaunan ay inamin niyang nagsinungaling siya sa akin. Malayong kamag-anak daw niya ang opisyal na pinaglilingkuran niya. Sabi niya, hindi siya mayaman tulad ng inaakala ko.

Natutuhan ko nang mahalin si Ralph at sa kabila ng katotohanang nalaman ko, hindi nagbago ang damdamin ko sa kanya. Ano sa palagay ninyo, dapat ko bang ituloy ang relasyon ko sa kanya?

Kat

Dear Kat,

Sa akin, big deal ang pagsisinungaling. Paano mo mapagkakatiwalaan ang taong sa simula pa lang ay nanlinlang na sa’yo?

Pero may kapintasan ka rin Kat, ito ang paghahangad mo na makapag-asawa ng mayaman. Hindi dapat maging batayan iyan sa pagpili ng mapapangasawa. Ang unang batayan ay dapat may pagmamahal na namamagitan sa magkarelasyon. Pero siyempre, hindi man mayaman ay kailangang may kakayahan ang lalaki na magtaguyod ng pamilya.

Kung tatanungin mo ako, hindi ka dapat magmahal ng lalaking sinungaling. Malay mo baka mayroon pang itinatago sa iyo ang lalaking iyan tulad ng kanyang civil status?

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with