^

Dr. Love

Pumatol sa may asawa

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kapit sa patalim nang makipagrelasyon ako sa isang negosyanteng may asawa. Single mom kasi ako at dahil sa kakapusan sa pinansyal, hindi nagdalawang salita si Joseph sa panliligaw at ibinahay niya ako at ang aking anak sa isang condominium.

Napakabait ni Joseph at ramdam kong totoo ang pagmamahal niya sa akin.

Dalawang taon na kaming nagsasama nang may tanggapin kaming subpoena. Nagdemanda ang tunay na asawa ni Joseph ng concubinage.

Bunga niya ay napilitan kami ng anak kong 8 years old na umalis sa condominium at magbalik sa dati naming inuupahan na mumurahing apartment.

Mula nang maangyari ang mga bagay na ito hangganag ngayon ay talagang gulong-gulo ang isip ko.

Hindi ko malaaman kung paano magsismulang muli nang wala sa piling ni Joseph. Pagpayuhan mo po ako.

Ida

Dear Ida,

Sa isang banda, mabuti ang nangyari iyan.

Dahil ang pakikiapid ay kasalanan kahit ano pa ang rason kung bakit nagawa ito. Sa mata ng Diyos at sa batas ng tao, ito’y mali.

Pagsikapan mo na lang na palakihin ang iyong anak nang mag-isa.

Humanap ka ng disenteng trabaho upang maitaguyod ang buhay ninyong mag-ina.

Kung hahanap ka ng katuwang sa buhay, tiyakin mo lang na ito’y walang asawa upang makaiwas sa ganyang aberya.

Dr. Love

JOSEPH

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with