^

Punto Mo

‘Pitsel’ (Part 4)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“HUWAG mo nang isauli ang pitsel, Narding,’’ sabi ng kasamahan kong si Felix. “Nakalimutan na ‘yan ng may-ari.”

“Paano kung hindi nalimutan? E araw-araw, dumaraan tayo sa tapat ng bahay. Nakakahiya kung kumprontahin tayo dahil lamang sa pitsel. Isasauli ko ang pitsel.”

“Bahala ka. Araw-araw mong dadalhin ang pitsel. Paano kung mabasag?”

“Ilalagay ko sa bag na may sapin na damit para hindi mabasag.”

“Ikaw na nga ang bahala. Pero kung ako ikaw, hindi ko na isasauli ang pitsel dahil parang karaniwang pitsel lang naman. Mara­ming ganyang pitsel sa Divisoria.”

“Basta isasauli ko ang pitsel. Ayaw kong maakusahan na nag-interes sa hindi ko pag-aari. At saka baka maging mitsa pa na makasuhan ako dahil sa pagnanakaw sa pitsel.”
Nagtawa nang malakas si Felix.

“Bakit ka nagtawa?’’

“E kasi nakakatawa ka! Paano ka naman aakusahang nagnakaw ng pitsel na luma. Baka nga patapon na ang pitsel kaya yun ang pinaglagyan ng tubig—isauli man o hindi oks lang dahil luma.”

Hindi ko na sinagot si Felix dahil hahaba lamang ang usapan. Basta gagawin ko ang inaakala kong tama—isasauli ko ang pitsel. Araw-araw ay dadaan ako sa bahay at tatawagan ang may-ari ng pitsel. (Itutuloy)

FACTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with