^

PSN Opinyon

Babae sa U.S., nagkaimpeksiyon sa ilong dahil sa ‘pag-utot’ ng kanyang boyfriend!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI biro ang sinapit ng isang babae sa United States matapos magkaroon nang matinding impeksiyon sa sinus na nagsimula mula sa utot ng kanyang boyfriend!

Ibinahagi ni Christine Connell sa social media na nagsimula ang kanyang karamdaman noong 2016.

Ayon kay Christine, habang siya ay nakahiga sa kama, nagbibihis ang kanyang nobyo at hindi sinasadyang nagpakawala ito nang matinding utot, diretso sa kanyang mukha.

Ang insidenteng ito, na sa una ay tinawanan lang nilang dalawa, ay nauwi sa seryosong kalagayan. Pagkalipas ng ilang araw, unti-unting nakaramdam si Christine ng baradong ilong, matinding sakit ng ulo, at paulit-ulit na sipon at lagnat.

Lumala ang sintomas at tumagal nang ilang taon, kaya napilitan siyang kumunsulta sa ilang espesyalista.

Dito na nadiskubre ng mga doktor na mayroong Escherichia coli o E. coli bacteria sa kanyang sinus—isang bihirang kaso, dahil ang E. coli ay kadalasang matatagpuan sa bituka at hindi sa ilong.

Ayon sa mga eksperto, posible raw na pumasok ang bacteria sa katawan ni Christine dahil mahina ang kanyang immune system dulot ng operasyon, kaya hindi agad ito napigilan ng kanyang katawan at naging chronic infection.

Ilang klase ng antibiotics­ at nasal sprays na ang sinubukan ni Christine, ngunit palaging bumabalik ang impeksiyon. Dahil dito, isinasa­alang-alang na ng mga doktor ang operasyon para tuluyang tang­galin ang infected na tissue sa kanyang ilong.

Viral sa social media ang kanyang kuwento, na umani ng iba’t ibang reaksyon—mula sa pangamba at pagkaaliw, hanggang sa pagtawa ng ilan.

Ngunit ayon kay Christine, malayo ito sa nakakatawa dahil grabe ang hirap at pagod na dinanas niya. “Akala ng iba biro lang, pero totoo at masakit. Hindi biro ang pitong taon na pakikibaka ko rito,” aniya.

Ayon sa mga eksperto, bihirang mangyari na magdulot ng ganitong klase ng impeksiyon ang utot, ngunit maaaring pumasok ang bakterya sa mga taong may mahinang resistensya o may iniindang karamdaman.

Paalala nila na huwag balewalain ang mga sintomas na tila simpleng sipon lang, lalo na kung tumatagal o palaging bumabalik.

Mula sa isang insidenteng tila pang-comedy, nauwi sa matinding kalbaryo ang buhay ni Christine—patunay na kahit ang pinakakaraniwang biro ay puwedeng magdulot ng seryosong epekto sa kalusugan.

UNITED STATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with