^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Bantayan, pagdami ng kaso ng leptospirosis

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Bantayan, pagdami ng kaso ng leptospirosis

BUKOD sa dengue na dumarami ang kaso, dapat din namang bantayan ang pagdami ng kaso ng leptospirosis. Ayon sa Department of Health (DOH), sa unang limang linggo ng 2025, tumaas ang kaso ng leptospirosis ng 38 percent.

Pinakamatas ang kaso sa Davao City na nakapagtala ng 94 na kaso mula Enero hanggang Mayo 2025. Naitala ang 23 namatay.

Dumami rin ang kaso sa Cordillera Region na nakapagtala ng 22 kaso mula Enero 1 hanggang Pebrero 1. Mas mataas ito kumpara sa 16 na kaso naitala noong nakaraang taon sa parehong buwan.

Ngayong panahon ng tag-ulan at tagbaha, ang pa­nganib sa leptospirosis ay lalong tumataas. Delikadong lumusong sa baha sapagkat maaring kontaminado ito ng ihi ng mga hayop lalo na ang daga. Kung may sugat sa binti at paa, huwag lumusong sapagkat dito pumapasok ang virus leptospira. Kung lulusong, gumamit ng bota.

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mama­mayan na huwag balewalain ang paalala na mag-ingat sa leptospirosis.

Kapag marumi ang paligid, maraming daga at ang mga ito ang karaniwang pinanggagalingan ng virus. Ayon sa DOH, hindi lamang sa ihi ng daga nagmumula ang leptospirosis kundi maging sa iba pang hayop.

Kapag pumasok ang virus sa binti at paa, lilitaw ang mga sintomas ng leptospirosis. Makararanas ng lagnat, panginginig ng katawan, pananakit ng binti, kalamnan, at kasu-kasuan, pamumula ng mga mata, paninilaw ng balat, pananakit ng ulo at kulay tsa ang ihi.

Karamihan sa mga nagkaka-leptospirosis ay mga bata na madalas magtampisaw sa baha. Sa mga kalsada sa Metro Manila karaniwan nang makakakita ng mga batang nakalublob sa baha. Mayroon ding dumadayb sa estero. Walang pakialam ang mga bata habang nag­lulunoy sa baha na kontaminado ng ihi ng daga at iba pang hayop.

Noong nakaraang taon, sinabi ng DOH na makiki­pag-ugnayan sila sa LGUs para tuluyang ipagbawal ang pali­ligo sa baha. Noong nakaraang taon din dumami ang mga nagka-leptospirosis at nagsiksikan sa mga ospital ang mga pasyente.

Magtulung-tulong ang mamamayan sa paglipol sa mga daga na naghahatid ng leptospirosis. Ang unang hakbang ay ang pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran at sa loob ng bahay. Kung malinis at nasa ayos ang pagtatapon ng mga basura, tiyak na walang mabubuhay na daga at iba pang peste.

Magsagawa pa ng kampanya ang DOH upang ma­ipabatid sa publiko ang panganib ng leptospirosis. Hindi biro ang sakit na ito na nagdudulot nang malagim na kamatayan.

DOH

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with