^

Probinsiya

Mag-asawa, bayaw tiklo sa child sexploitation!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

5 minor na anak inabuso

MANILA, Philippines — Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang ginang, mister at bayaw sa paglabag sa Child Sexual Exploitation ng kanilang menor-de-edad na mga anak, sa Davao City, noong nakalipas na Linggo.

Sa ulat na isinumite kay NBI Director Judge Jaime Santiago ng NBI-Human Trafficking Division (HTRAD), kasama ang NBI-South Eastern Mindanao Regional Office (SEMRO) at NBI-Digital Forensic Laboratory (NFL), dinakip ang ginang, ang mister at kapatid na lalaki ng mister sa entrapment operation sa bahay na ginagamit sa paggawa ng Child Sexual Abuse and Exploitation Materials (CSAEM), sa Lupon, Davao, Oriental.

Nag-ugat ang operasyon sa case referral ng Belgian Police laban sa isang Pilipina na provider ng CSAEM kapalit ng bayad. Nakipagtulungan sa kanila ang nadakip na Belgian national na nagbunyag sa operasyon ng ginang na kaniyang katransaksyon.

Bitbit ang Warrant to Search, Seize and ­Examine Computer Data (WSSECD) na inisyu ng Branch 32 ng Lupon Regional Trial Court, sinalakay ng NBI, Department of Justice-Inter-Agency Council Against Trafficking (DOJ-IACAT), ­National Coordination Center against Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (NCC-OSAEC-CSAEM), Cybertip Monitoring Center, Destiny Rescue Pilipinas, Exodus Road Philippines at International Justice Mission, ang bahay ng ginang.

Sa labas ng bahay ay may 5-lalaking bantay, habang sa loob ng isang silid ay naroon ang ginang, ang kaniyang anak na babae at 2-lalaki na pawang menor-de-edad at dalawang pamangkin na menor-de-edad na agad ni-rescue.

Sinamsam ang mga ebidensyang mga mobile phones, isang ­tablet, isang computer na may webcam set-up, iba’t ibang sex toys at nakumpirma sa onsite forensic examination ang chat logs ng transaksyon at agad inaresto ang tatlo.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with