Sakripisyo, pagmamahal ng mga ama, kinilala ni VP Sara sa Father’s Day!
MANILA, Philippines — Kinilala ni Vice President Sara Duterte ang sakripisyo at pagmamahal ng mga ama ng tahanan para sa kanilang pamilya, kasabay nang pagdiriwang ng Father’s Day kahapon.
“Maligayang Araw ng mga Ama sa lahat ng tatay, papa, itay, at sa mga lahat ng taong nagsisilbing haligi ng tahanan at pinagmumulan ng lakas at tibay ng bawat isa,” ani VP Sara.
“Sa araw na ito, kinikilala natin ang inyong sakripisyo, sipag, at walang kapantay na pagmamahal,” aniya pa.
Pinasalamatan rin naman niya ang mga ito dahil sa kanilang katatagan na siyang pundasyon na nagkakaloob ng seguridad, katiwasayan, at daan upang maging responsable, disiplinado, at produktibong indibidwal ang mga anak.
“Ang inyong pagsisikap ay nagpapaalala sa amin ng inyong dalamhati at pagmamahal sa pamilya,” aniya pa. “At ito rin ang nagiging magandang halimbawa na nagbibigay ng inspirasyon sa mga kabataan.”
“Maraming salamat sa inyong katatagan sa panahon na ang pamilya ay nahihirapan,” dagdag pa ni VP Sara. “Maraming salamat sa inyong patnubay sa mga panahong tila walang katiyakan.”
Pahayag pa niya, “Maraming salamat sa inyong pagmamahal.”
Mensahe pa ni VP Sara sa mga ama, “Sa bawat ama na patuloy na lumalaban, naglilingkod, at walang pagod na itinataguyod ang pamilya sa kabila ng hirap — hangad ko ang inyong tagumpay.”
- Latest