^

Bansa

‘Sara-Imee tandem’ sa 2028, inilutang

Mer Layson, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
‘Sara-Imee tandem’ sa 2028, inilutang
Bring my father home, Sara challenges Imee Composite photo shows Vice President Sara Duterte and Imee Marcos attending separate Senate sessions in August 2024.
Senate Social Media Unit / Released

MANILA, Philippines — Inilutang ni Senator Robin Padilla ang tambalan nina Vice President Sara Duterte at Senator Imee Marcos para sa 2028 presidential at vice presidential elections.

Ayon kay Padilla, hindi siya pulitiko at sa 2028 ay magsisilbi siya bilang campaign manager nina Duterte at Marcos.

Ginawa ni Padilla ang pahayag sa isang talumpati sa Malaysia kung saan nakasama niya sina Duterte at Marcos sa pagtitipon ng mga Overseas Filipino Workers.

“Si Robin Padilla, hindi pulitiko. Sa 2028, campaign manager ako ni Inday Sara Duterte at ni Imee Marcos, at siyempre, ng mga senador nila,” ani Padilla.

Sinabi rin ni Padilla na muling magkakaroon ng pag-asa ang mga botante.

“Darating ang pagkakataon na kayo ay muling susulat sa inyong mga balota, at pagdating ng araw, tandaan po ninyo—‘yung hope,”  ani Padilla.

Sa isang pahayag ikinagulat ni VP Duterte ang naging pahayag ni Padilla.

“Nagulat din ako sa Sara-Imee ni Sen. Robin… Hindi ko alam kung anong nasa isip ni Sen. Robin,” napaulat na sinabi ni Duterte.

Matatandaan na sa isang panayam sa Senado, sinabi ni Padilla na kahit sunugin pa siya ay mangangamoy Rodrigo Roa Duterte siya.

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with