^

PSN Opinyon

PAGTATANIM AT PAGPAPABUNGA NG PAPAYA

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang simple at madaling pagtatanim at pagpapabunga ng papaya.

Ang ise-share ko ay base sa aking personal na karanasan, sa mga tanim kong papaya sa gilid ng aming bahay.

Ang papaya ay itinatanim mula sa seed o buto.

Kapag bihasa ka na, puwedeng gawin ang direct planting sa buhaghag na lupa pero kung beginners ka pa lang, mas magandang ipunla na po muna ninyo sa mga seed-ling tray.

Kapag 4-inches na ang laki nito ay ilipat na sa permanenteng pagtatamnan na may anim hanggang walong oras sa maghapon, dapat ay naaarawan ito. 

Sa pagtatanim at pagpupunla, ibaon lang ng 1-inch sa lupa ang buto nito at makalipas ang pito hanggang sampung araw, tutubo na.

Maglagay na ng organic at natural na pataba sa papaya habang itinatanim. Mas magandang gamitin ay vermicast, o kaya naman ay chicken manure, cow manure, carabao manure or compost.

Habang lumalaki ang papaya ay “gambulin or tilling the soil”  sa paligid nito para manatiling buhaghag ang lupa at makagala ang mga ugat nito para makakuha ng nutrients ayon sa kanyang pangangailangan, na mahalaga sa paglaki nito.

Isang beses kada buwan ay maglagay ng natural na pataba para mapanatili ang lusog at ganda ng papaya.

Sa pagpapabunga ng papaya ay kailangan diligan at ispreyan ng foliar fertilizer tulad ng Fermented Fruit Juice (FFJ) at binabad na balat ng saging.

Ayaw ng papaya ang palagiang basa ang lupa para maprotektahan ito ay ibunton ang lupa sa puno nito para umagos lang ang tubig kapag may malakas na ulan.

Sa loob ng limang buwan ay makakaani ka na ng hilaw na bunga ng papaya na masarap na pang sahog sa tinola at paggawa ng atchara.

Sa loob naman ng anim hanggang pitong buwan ay makaka-harvest ka na ng hinog na bunga ng papaya.

Ganon lang po ka-simple ang aking ginagawa sa aking mga tanim na papaya.

Makakabili kayo ng certified seeds ng papaya at iba pang green leafy vegetables sa SM Supermarket, Shopwise, Ace Hardware at mga plant nursery.

Ang aking ginagamit ay Ramgo Seeds.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Face-book page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.

Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. 

STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

FARMER

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with