Korean superstar, super like kay Anne!

Ang bongga ni Anne Curtis na liker niya na ang Korean superstar na si Song Hye-kyo.
Sigurado ngang tuwang-tuwa siya sa pag-like ng Koreana sa post niya.
Hindi kasi nakalampas sa mga matanglawin na followers niya ang pangalan ng ex-wife ni Song Joong-ki na isa sa mga nag-like ng post niya na may caption na “Celebrated love in Granada.”
Ang ganda-ganda rin naman kasi talaga ng photos ng pamilya nila kasama ang mister niyang Erwan Heussaff at daughter nilang si Dahlia sa bakasyon nila sa Spain.
May dinaluhan silang kasal doon kung saan flower girl si Dahlia pati na rin ang pinsan nito na anak nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico.
Ang ganda nga ng lugar na berdeng-berde ang background nila at lutang ang saya nila.
At napuri nga rin ang beauty ni Anne at ang sexy nito sa white dress na suot niya.
Bumagay nga raw sa kanya ang pagiging ina dahil mas nag-glow ito.
Anyway, ano kaya ang feeling ng It’s Showtime host na ni-like ni Song Hye-kyo ang post niya?
Kilala kasing fan ito ng mga Korean drama.
Parang ako lang.
Ang dami tuloy nainggit sa kanya na para na silang best friends ng Descendants of the Sun actress na nakilala niya sa Seoul nakaraang buwan sa isa ring kasalan.
Ang swerte niya naman.
At isa pa na kinasuwerte niya ay ang dami niya nang nakilalang Korean gaya lang na kamakailan ay nagkita na sila ni Park Bo-gum sa Thailand.
Kaya ang sarap daw talaga maging sikat dahil nakakadaupang-palad mo rin ang kapwa mo sikat.
Bongga talaga.
- Latest