Mga Pinoy sa San Francisco
Pagkalapag ko sa San Francisco Airport sa California, agad agad akong dinala ng mga kaibigang Lex, Kamille at Willie sa isang food court sa Daly City. (alam nilang may pagka-PG ako!) Ang lugar na ito ay kilala na maraming Pinoy. Kaya marami rin rito ang mga franchise ng Filipino fast food. (dinaig ang sm food court?!)
Napatigil ako sa Manila Bay food place. (natakam sa longganisa!) Nakilala ako ng mga Pinoy staff, at nagpapicture (konti nalang Kim Chiu level nako!)
Biglang may um-appear na madame customer. Nagpa-photo op din sa’kin sabay sabi: “Umorder ka nang gusto mo.
Ako bahala.” (kaya order ako longga at asado with 3 extra rice! )
Nung nasa mismong San Francisco na kami, nakakatuwa rin ‘yung mga Pinoy na lumalapit sa’kin pag nasa shopping area ako. (feeling may budget!)
May mga nagpapa-picture rin. (sana pinagsya-shopping din ako! chos!)
May mga iba naman na lalapit lang sa’kin para magsabi ng appreciation sa ginagawa kong pagho-host online. (konti na lang Jessica Soho at Korina Sanchez level na!)
Marami akong nakahalu-bilong nurse. (na ramdam ko, mas malaki ang TF kesa sa’kin ha!)
May mga pagkakataon na nakakakwentuhan ko sila. (bilang marites ako!) Tulad ng isang bus driver, na kasabay ng pagbaba ko ng bus, ang pagtapos ng duty nya.
Sinabayan nya ako sa paglakad at gulat na gulat sya na naging pasahero nya ako. (gandang ganda sa’kin!)
Mahigit 20 years na sya sa US ng misis nya. May dalawa silang anak. ‘Yung panganay nya kaka-graduate lang. (so interview portion ko talaga sya!)
Lahat ng nakilala ko, nagsisipag magtrabaho para sa kanilang sarili at pamilya, lalo na para sa mga naiwan nila sa Pinas. (bawal tamad sa tate! di pwede nganga!) Let’s send them love and light! (to follow nalang daw mga pa-harbat! )
(Youtube/FB: WTFu. Instagram/Twitter/Tiktok: @mrfu_mayganon. Patreon: www.patreon.com/wtfu. Website: www.channelfu.com)
- Latest