^

PSN Showbiz

Kapuso comedian Sef Cadayona, inokray ng ka-live in ang pagiging ama!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kapuso comedian Sef Cadayona, inokray ng ka-live in ang pagiging ama!
Nelan at Sef Cadayona

Pabonggahan ng ‘happy father’s day’ message sa social media account ng  kilalang celebrities noong Linggo.

Tamang-tama naman Binibining Pilipinas kinagabihan na tinutukan namin sa TV 5.

Isa sa kaabang-abang ay ang question and answer portion sa napiling 14 finalists.

Sa totoo lang, ang hirap ng mga tanong na kung ikaw ang kandidata, matataranta ka kapag mapunta sa iyo ang mahirap na tanong ng judge.

Pero ang isa sa ikinatuwa naming sagot ay mula sa finalist ng Aklan na si Francesca Beatriz Abalajon.

Ang Ms. Globe 2024 na taga-Colombia na si Diana Moreno ang nagtanong ng; “It’s Father’s Day today. What is one quality you (inherited) from your father that has helped you as a candidate of Binibining Pilipinas.”

Hindi naka-relate ang kandidata sa tanong dahil tanging ang ina lang pala niya ang nagpalaki sa kanya.

Kaya nagpakatotoo siyang sinagot ito ng; “I grew up with a single mother. I did not have a father figure in my life. And my mom played a huge role in my upbringing. She is my father. She taught me to be empowered, to be confident, and to be independent. Now with this experience I can definitely say that mothers, too, can lead anyone, any family. And to my mom, to all the single mothers out there, Happy Father’s Day.”

Sayang nga lang at hindi siya ang nagwagi.

Deserving naman ang mga nanalo, at marami  talagang magaganda at magagaling.

Pero nagmarka lang sa amin ang sagot na iyun ng kandidatang taga-Aklan dahil marami naman talaga sa mga nanay natin ang tumatayong ama sa kanilang mga anak.

Nagulat naman kami sa partner ng Kapuso comedian na si Sef Cadayona na si Nelan Vivero.

Nag-react siya sa guesting ni Sef sa All-Out Sundays na naglaro kasama ang ibang celebrity dads na sina Rodjun Cruz, Kristoffer Martin, Gabby Eigenmann at Jason Gainza.

Nag-rant ito sa kanyang Instagram account na tila kinukuwestiyon ang pagka-tatay ng Kapuso actor.

May post pa siyang nagpe-pretend lang daw na magpaka-daddy si Sef.

Isa sa nai-post niya nung Linggo ay; “Sorry, friends. I know this is messy. I should’ve just stayed quiet, right? Kaso wala eh. Seeing him accept a Father’s day questing like he’s done something to deserve it. I went through hell because of him and his family both during my pregnancy and postpartum. I was just hoping he’d feel even a little bit of shame.

“Also, just a little reminder: Boys who rub it in their child’s or the mother’s face that they’re the ones providing –aren’t real fathers. Responsibility isn’t something you assign to yourself. It’s something you step up to, no questions asked. Right, @sefcadayona?”

Sa aming pagtatanung-tanong sa ilang taga-GMA, nabalitaan na nga raw nilang hiwalay na sina Sef at Nelan.

Sa pagkakaalam namin, mahigit dalawang taon silang nagli-live in at engaged na sila dalawang taon na ang nakaraan. Pero wala kaming nabalitaang nagpakasal na sila.

Mukha namang okay sila nitong mga nakaraang buwan lang, dahil nakikita sa mga ipino-post ni Sef sa kanyang social media account na masaya pa sila kasama ang kanilang anak.

Walong libong...todohan ang hubaran

Ilang araw na rin kaming nage-enjoy sa mga stageplays na pinapanood namin sa Virgin Labfest nitong nakaraang linggo na ginaganap sa Tanghalang Ignacio Gimenez, ang Blackbox ng CCP.

Natuwa kami sa performance ni Angelica Panganiban sa stageplay niyang Don’t Meow for Me, Catriona, kasama si Peewee O’hara.

Ang classmate namin doon sa panonood ay si Direk Dante Balboa na siyang nagsulat at nagdidirek ng stageplay na Walong Libong Piso.

Doon kasi gaganapin ang naturang psychological play sa August. Kaya pinag-aaralan na niya roon at kumukuha na rin siguro ng mga ideya sa mga stageplay na napapanood niya.

Pero mas mapangahas itong Walong Libong Piso na pagbibidahan nina Paulo Gumabao, Drei Arias, Jhon Mark Marcia, at si Juan Paulo Calma.

Walang arte sa hubaran ang apat, pero nilinaw nilang walang lama­ngan sa kanilang performance.

Kung may maghuhubad at mag-frontal ang isa, dapat lahat ay ganun din ang gawin ng tatlo pa..

Walang kiyeme rito ang VMX actor na si Juan Paulo Calma. “Depende po kasi iyan kay Direk. Kasi, ang layunin po nung direktor ng Walong Libong Piso, lahat po kami, kung ano po iyung scene ng isa, ganun din ang gagawin ng iba.

“Wala po kaming lamangan dito. So ang inaano po namin, kung hihi­ngin po nung direktor or kung ano po ang kaya ng artist po.

“Dahil wala naman po akong inihibition. Puwede naman po akong mag-all out. Ang inaano ko po, iyong mga ka-alternate ko, kung ano iyung kaya nila,” pahayag ng VMX actor.

Lahat naman sila ay nakapagbuyangyang na ng kanilang katawan kaya wala nang problema sa kanila.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with